Saturday, December 8, 2012

"Hawak Mo ang Bukas"

Pagsikat ng araw -- liwanag...
       Bagong pag-asa...
            Bagong buhay.

Kadiliman ng nakaraang gabi'y
        Sumapit na naman...
             Naglaho...nalimutan...
                   Na tila baga isang panaginip.

Waring walang badya na gabi'y 
        pansamantalang nagdaan.

Kalungkutan...
      Pagkabagabag...
             Takot...
                   Di kawasa'y napalitan
                   Ng ligaya't lakas ng loob!

Hangga't may araw at liwanag...
Hangga't may bukas at pag-asa...
Hangga't may BUHAY...

       Wala kang dapat ipagalinlangan.

Sapagka't ang DILIM ay HAWAK mo...
        Pati na ang BAGONG ARAW!

Gising, kapatid...gising!!!

Harapin mo ang yong SARILI
        Na kawangis ng sa'yo ay may lalang.

Kilalanin mo.
Tuklasin mo.

Ngumiti ka at sabihing may galak sa sarili:

       "Ako'y mapalad pagka't sa aking mga palad...
        
        Hawak ko ang BUKAS!!!"









"Buhay Accountant"

Alas-otso na naman
        Simula ng "hatawan"...
        Simula ng lakaran...
    Trabaho dito, trabaho doon.

Walong oras na namang ganito:
        Lilimutin mo ang iyong mundo...
        Ipagpapalit sa daigdig ng numero...
    Hapit dito, hapit doon...
    Habol sa deadline at closing...ng ano??

Ano ba yan?!?

Ewan ko.

Basta ang alam ko
         Kailangan kong mag-trabaho...
         Kailangang magbanat ng buto...
     Sakit sa ulong kliyente't ka-trabaho
     Por Dios por santo...haharapin ko!

Di ba't sila ang dahilan kung bakit ako naririto?!?
Di ba't yan ang dahilan kung bakit pinagtitiisan ko?!?

Wala, eh...Accountant ako...pinili ko ang linyang ito...

Kaya't pagdudusahan ko!