Saturday, December 8, 2012

"Hawak Mo ang Bukas"

Pagsikat ng araw -- liwanag...
       Bagong pag-asa...
            Bagong buhay.

Kadiliman ng nakaraang gabi'y
        Sumapit na naman...
             Naglaho...nalimutan...
                   Na tila baga isang panaginip.

Waring walang badya na gabi'y 
        pansamantalang nagdaan.

Kalungkutan...
      Pagkabagabag...
             Takot...
                   Di kawasa'y napalitan
                   Ng ligaya't lakas ng loob!

Hangga't may araw at liwanag...
Hangga't may bukas at pag-asa...
Hangga't may BUHAY...

       Wala kang dapat ipagalinlangan.

Sapagka't ang DILIM ay HAWAK mo...
        Pati na ang BAGONG ARAW!

Gising, kapatid...gising!!!

Harapin mo ang yong SARILI
        Na kawangis ng sa'yo ay may lalang.

Kilalanin mo.
Tuklasin mo.

Ngumiti ka at sabihing may galak sa sarili:

       "Ako'y mapalad pagka't sa aking mga palad...
        
        Hawak ko ang BUKAS!!!"









No comments:

Post a Comment