Wednesday, May 29, 2013

“Tamang Lito”


“Tamang Lito”

Ni Meloy Aguilar at Yomie Berondo-Tengco


Ilang taon na ba tayo
Na magkaibigan
Mula simula ako
Ang tanging sumbungan
Mga sikreto mo’t prublema, ako ang takbuhan
Walang hindi alam, walang lihiman.

Ano ba itong nadarama?
Ngayon ako ay Lito na
Kung kelan naisip ko’ng lapit ko na
Ang layo pa pala.
Bibigay ba ’ko o hahayaan, hahayaang ganito na lang?
Dapat pa ba akong umasa, o mas mainam na kalimutan ko na.

CHORUS 1
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh...kalimutan ko na
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh...kalimutan ko na ba?

Kung datiý masaya ngayoý ilang na
Sa t’wing siya’y iyong kasama
Lagot na, ako’y may malisya
Tingin ko’y nahuhulog na.
Bibigay ba ’ko o hahayaan, hahayaang ganito na lang?
Dapat pa ba akong umasa, o hayaan na kita sa kanya.

CHORUS 2
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh... hayaan na kita sa kanya
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh... hayaan na ba kita?

Bridge
Mahirap sumugal, pag kaibigan mo ang iyong mahal
Walang katiyakan kung may lulugaran…

Spoken
“Sasabihin ko na ba?
Baka kasi magalit sya, eh!
Ano ba ‘to? Tamang-lito na naman ako!
Hirap naman maging bestfriend mo...
Di na ba le-level up ‘to??”


Bibigay ba ’ko o hahayaan, hahayaang ganito na lang?
Dapat na bang humanap ng iba, o hihintayin kita.

CHORUS 3
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh...o hihintayin kita
Aa-haa-haa-haa...Eeyeeh...may hihintayin pa ba?


                   © meloy.aguilar/yomie.berondo-tengco  [02.2013]



No comments:

Post a Comment